Maine Mendoza Gustong Makasama Si Alden Richards!...

 


Talagang nagpakatotoo ang Tv host actress na si Maine Mendoza ng matanong sa isang panayam, tungkol sa dati niyang ka loveteam na si Alden sa gitna ng mga issue na kanilang hinaharap ngayon.


Ayon nga kay Maine Mendoza na kung mabibigyan daw ng pagkakataon, nais padin nilang makasama si Alden sa bago nilang show sa TV5.


Sa naganap na media con ng TVJ sa media center ng TV5 ay nakapanayam ang ilang mga kasamahang host ni Maine kasama siya, at itinanong sa kanila na kung posible ba daw na maging bahagi parin si Alden sa bagong noontime show nila sa TV5.


Sagot naman ni Maine sa mga ito, "Hindi ko alam kung papano mangyayari, pero si Alden naman ay isang Legit Dabarkads."


"Hopefully hindi ko parin alam din eh, Pero hopefully makasama namin siya dito sa shbow namin sa TV5."


Inamin din ng Girlfriend ni Arjo Atayde na tuloy parin ang kumunikasyon nila ng dati niyang ka loveteam na si Alden Richards.


Aniya, "Oo naman kaming mga Dabarkads dito constant parin ang kumunikasyon dito sa bagong show, bagong tahanan, yung updates ganun parin."


Samantala, proud naman na sinabi ni Maine na talagang nanindigan siya at ibinigay niya ang buong suporta niya sa TVJ, at piniling sumama sa trio sa pagkalas sa TAPE incorporated.


Pahayag niya, "Kasi for me, no amount of money can buy my stablish values, self respect and loyalty."


Pagpapatuloy niya pa, "So sa pagtanggap sa amin, sa akin 8 years ago noong sumama ako sa Eat Bulaga ay maibabalik ko lang sa kanila ay yung loyalty ko, yung pasasalamat ko and yung tulad ng paglaban nila sa amin, kaya naman ilalaban din namin sila kahit saan."


Agad naman itong umani ng iba't ibang mga reaksyon at komento mula sa kanilang mga tagasubaybay at sa ibang mga netizens.




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma