Galit Na Galit Si Paolo Contis Sa Mga Netizens Na Nagreport Sa Pages Ng Eat Bulaga!

 


May patutsada ang Tv host comedian na si Paolo Contis sa mga bashers nila na nagreport ng kanilang facebook page at YouTube accout.


Aniya, "Report lang kayo ng report kami naman post lang ng post." Ito nga ang naging patama ng komedyante sa mga bashers na patuloy na nagrereport sa mga bagong gawang page ng Eat Bulaga sa social media.


Maraming mga netizens kasi ang nagtaka ng biglang naglaho ang facebook at youtube account ng Eat Bulaga sa social media.


Nitong Martes lamang  sha show ng Eat Bulaga ay hinikayat pa nga ni Paolo Contis ang mga netizens na manood sa facebook accout ng Eat Bulaga.


Ngunit ng malapit ng matapos ang show nila ay doon lang nila na laman na wala na pala silang Facebook account.


Samantala, inanunsyo naman ni Paolo sa publiko na ang mga opisyal account sa Facebook lang muna nila ni Isko Moreno at ang sa kanya ang siyang gagamitin lang muna nila pansamantala sa live streaming ng Eat Bulaga.


Ayon naman kay Isko Moreno na hendi daw sila susuko sa pagsubok na ito, dahil alam daw nila na malalampasan daw nila ito.







Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma