Jericho Rosales, Nagsalita Na Sa Hiwalayan Issue Nilang Mag Asawa!

 


Maraming mga netizens parin ang naniniwalang, hiwalay na ang mag-asawang sina Jericho Rosales at ang kanyang asawa na si Kim Jones at ayaw lang nilang aminin ito sa publiko.


Matatandaang noong nakaraang taon pa ng unang lumabas ang balitang ito.


Ayon nga sa isang kilalang artikulo ay tinanong raw nila ang actor na si Jericho Rosales tungkol sa nasabing issue.


Ngunit hindi daw ito sumagot at nagpaalam lang habang paalis ng event, noong September 18, 2022.


At makalipas lang ang ilang araw ay nalabas ang mag-asawa ng mga sweet na message sa social media ng magdiwang si Jericho ng kaarawan.


Kaya naman tila nabigyang linaw ang mga kumalat na mga balita na hiwalay na ang mag-asawa. At na kumpirma ito na sila parin.


Ngunit hanggang ngayon 2023 ay tila hindi parin nawawala ang issue ng mag-asawa na hiwalay na nga ang mga ito.


At nitong kamakailan nga sa opening ng Kuya J's Restaurant ay hiningan ng komento ang actor kung anu ba daw ang masasabi niya sa mga kumakalat na issue na hiwalay na nga ba daw sila ng kanyang asawa na si Kim Jones.


Ngunit ayon kay Jericho ay hindi raw siya yung klasi ng tao na kailangan pang ipaliwanag ang sarili kahit kanino.


Pero alam naman daw niya na maykarapatan ang bawat tao sa kanilang mga opinyon.


Wala na daw siyang magagawa, kundi ang tumawa nalang, aniya, "What you see is what you get" at habang nabubuhay daw siya sa pagmamahal at sa katahimikan ay yun lang daw ang tanging mahalaga sa kanya ngayon.


Ayon pa sa actor na abala daw sila ngayon ng kanyang asawa sa collab nila.


Kilalang model at fashion influencer si Kim at ipinagmalaki nga ni Jericho na sumabak na din si Kim sa pagsusulat at pagdidirek ng short film at digital content. Sa ngayuon ay may binubuo rin daw si Kim na pelikula.










Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma