Baby Peanut Inantok Sa Kanta Ni Luis Manzano Para Sa Kanya Na a Whole New World!

 


Baby Peanut inantok sa pakikinig sa kanta ng kanyang daddy Luis para sa kanya, kinanta ng actor ang kantang A Whole New World para sa kanyang kaisa-isang anak na si Baby Peanut o si Baby Rosie.


Sa Instagram ay ibinahagi ng actor na si Luis Manzano ang bonding moment nila ng kanyang baby na si Baby Peanut.


Makikita sa maikling video clip na ibinahagi ng actor sa kanyang social media account na feel na feel niya ang kanyang pagkanta natalaga tila nagpapakitang gilas siya sa pagkanta para sa kanyang anak.


Nakakatuwa lang nagmakita ang bonding moment ng mag-ama na nagkakaroon ng quality time sa isa't-isa.


Caption naman ng actor sa kanyang ibinahaging video sa Instagram, "Sa vocal skills ko dito, kinuha ko yung songs sa key of F, using 3/4 baritone 1/4 vibrato, unlike conventional singers using the diaphragm, for this one i used the gallbladder. Enjoy @isabellarosemanzano 📸 @jessymendiola"


Maririnig din sa video ang boses ni Jessy Mendiola na halatang siyang kumukuha ng video sa kanyang mag-ama.


Pabiro pa nitong sabi na kaya pala walang imik si Baby Peanut at antok na antok ito dahil sa hindi pala yung kanta yung problema kundi yung boses sabay tawa ng actress.


Agad namang itong umani ng iba't ibang reakyon at komento mula sa mga netizens.



Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma