Herlene Budol, Mas Pinili Ang Career Kaysa Lovelife!

 


Herlene Budol o maskilala sa tawag na Hipon girl ay mas pinili ang career kaysa sa kanyang buhay pag-ibig.


Limang taon din ang itinagal ng relasyon ni Herlene sa kanyang non-showbiz boyfriend bago nila napagdisesyonan na maghiwalay.


Napagpasyahan kasi ng Beauty queen na unahin muna ang kanyang career sa pag-arte at sa pagpapageant, dahil ayon ng sa kanya ay ang pag-ibig ay nariyan lang yan.


Si Herlene at ang dating boyfriend nito ay nagpasyang itigil muna ang kanilang 5 taon na relasyon para makapagfocus lang daw muna sa kanikanilang mga career sa buhay.


Pahayag ng actress beauty queen, "Ngayon po wala na po akong boy friend, mas pinili po namin magpayaman nalang po."


Ito nga ang mga naging pahayag niya sa media con ng kanyang nalalapit na, na serye na Magandang Dilag.


Pahayag pa niya, "Hindi naman po sa sacrifice yun kum baga, nasa point na po kasi kami na kailangan na po naming magmature, na isipin muna ang future."


Dagdag pa niya, "Nandiyan lang naman po yang love eh puwede po naming balikan anytime, pero sa ngayon po na hindi po namin na bibigay yung time para sa isa't isa, mas pinili nalang po namin na maging friends po muna."


Pagpapatuloy niya pa, "Disesyon po naming dalawa ok pa naman, frieds po kami nag-uusap po kami, pero pinili po naming magtrabaho, magpayaman muna para sa pamilya po namin."


Inulan naman agad ito ng samu't saring reaksyon at komento mula sa mga netizens.




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma