Abs-Cbn Nagsalita Na Sa Paglipat Ng Its Showtime Sa Gtv Ng GMA Kapuso Network!....

 


Trending ngayon at mainit na pinag-uusapan sa social media, ang paglipat ng noontime show nina Vice Ganda na It's Showtime sa GMA network.


Kumpirmado na nga kasi na sila ay mapapanood na sa Gtv na pagmamay-ari ng GMA.


Ito ay opisyal ng inanunsyo ng Gtv sa kanilang Fan Page ngayong martes June 20, 2023.


Nakalagay naman sa kanilang Caption, "Madlang people let's make some noise!"


At ganun din sa facebook fan page ng It's Showtime inanunsyo na rin nila ito sa publiko.


Nakalagay nga sa kanilang caption, "Madlang People Game na Game! Go na Go! Gustong-gusto nyo to! #It's showtime GnaG."


Nag labas na din ang ABS-CBN tungkol sa issue na ito, at sinabi nila na hanggang sa June 30 nalang daw ang kontrata ng It's Showtime sa TV5.


Nagpasalama't naman ang ABS-CBN sa pamunuan ng TV5 na naging partnership nila, ngunit hindi daw nila tinanggap ang alok ng TV5 na 4:30 PM timeslot para sa It's Showtime.


Kasunod naman nito ay kinumpirma ng ABS-CBN na nakahanap na sila ng bago nilang tahanan para sa nasabing noontime show ng ABS-CBN at ito nga ay ang Gtv.


Simula sa July 1, ay mapapanood na sa Gtv ang It's Showtime.


Samantala, simula naman sa July 1, ay mapapanood na din ang show nina Tito, Vic and Joey at ng Dabarkads sa noontime slot ng TV5.


Dahil sila na nga ang papalit sa noontime slot ng It's Showtime.




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma