Full Story Nag Pambabato Kay Baron Geisler Sa Mukha Ng Kanyang Direktor!...

 


Actor at magaling na kuntra bida sa mga pilekula at teleserye na si Baron Geister binato raw ng script sa mukha ng kanyang director.


Sa Fast Talk with Boy Abunda ay nakapanayam si Baron at ibinahagi niya ang kanyang mga pagbabaliktanaw sa kanyang mga naging karanasan sa showbiz.


Dito ay ibinahagi niya na nabato na pala siya ng kanyang director ng script dahil sa sumalang siya sa eksena ng hindi niya memoryado ang kanyang script.


Ayon kay Baron na tandangtanda pa daw niya ang eksenang iyon, na naging daan upang mas lalo siyang magsipag at mas pagbutihin ang kanyang trabaho bilang isang actor.


Pero aminado naman siya na talagang tamad at pasaway raw siya noon, kaya tanggap niya ang mapagalitan at mapahiya sa kanilang taping.


Aniya sa panayam ng Fast Talk with Boy Abunda, "I was a lazy actor back in the day."


Saad pa ni Baron na isa daw ang director na si Andoy Ranay sa mga taong nagturo sa kanya para maging isang professional pagdating sa larangan ng pag-arte.


Pagbabalik tanaw paniya, "Si direc Andoy, I think this was a two a.m. everyone was prepared and it was a long scene, magtetake na kami ang I'm mumbled my lines and nag fumble ako, ayon binato ako ng script sa mukha, sabay sabi niya i memorize mo muna yan, then he walk out."


Dagdag pa niya, "After that sabi ko natoto na ako, ayaw ko nang may magbato sa akin ng script sa mukha sineryoso ko yun."


Samantala, nagbahagi din siya ng ilang mga detalye tungkol sa kanyang pelikula na Doll House na pinuri ng maraming mga manonood pati na ng kanyang mga kapwa artista.


Bukod dito ay ipinag darasal naman ni Baron na sana raw ay magkaroon ng reunion project para sa Tabing Ilog family niya kung saan ay nakasama niya ang ilan pang mga magagaling na artista sa industriya ng showbiz.





Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma