Andrea Brillantes, Nagpakalat Ng Video Ng Babae Sa Condo Ni Ricci Rivero?.....


Mainit paring pinag-uusapan ngayon sa social media ang tungkol sa hiwalayan nina Ricci Rivero at ng actress na si Andrea Brillantes.


Sa naging panayam kasi ni Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk with Boy Abunda ay natanong ni Boy kung sino ba ang kumuha ng mga larawan at video ng babae na kumalat sa social media, na sinasabing babae na inabutan ni Andrea sa condo ni Ricci.


Sagot naman ni Ricci sa tanong na ito ni Tito Boy ay  si Andrea daw mismo ang siyang kumuha ng mga larawan at video ng nasabing babae sa condo ni Ricci.. 


So ang ibig sabihin lang nito ay si Andrea mismo ang siyang nagpakalat ng mga larawan ng babae na nakatuwalya lamang sa loob ng condo unit ni Ricci.


At ang nasabing mga larawan at video na kumalat sa social media ang naging basihan ng mga taong nakikisimpatya kay Abdrea upang paratangan si Ricci na nagtaksil at ang siyang naging dahilan ng kanilang hiwalayan.


Ayon nga sa basketbolista na ang dahilan daw ng kanilang hiwalayan ay dahil nga sa babaeng iyon na naabotan ni Andrea sa condo ni Ricci na nakatuwalya lang.


Ngunit ilang beses daw nilang pinag-usapan ang tungkol sa pangyayaring iyun at ipinakita pa nga daw niya ang ilang mga ebidensya na hindi sa kanya ang babaeng iyu, kundi sa kanyang kaibigan na bumisita nung mga oras na iyun.


Ayon naman sa aming nakalap na impormasyon ay hindi daw umano magagawa ni Ricci Rivero na magdala doon ng babae dahil sa anu mang oras ay puweding pumunta doon si Andrea, dahil may access ito sa condo unit ni Ricci Rivero.


Ayon pa sa salaysay ng isang source na nang dumating daw si Andrea sa nasabing condo ay nakahanda na daw ang camera ng phone ni Andrea upang kuhanan ang mga pangyayari at kinunan nga ng actress ang babae na lumabas mula sa comfort room dahil pinilit daw buksan ni Andrea ang pinto ng comfort room ng condo.


Sa ngayon ay hindi pa nakikilala ang nasabing babae dahil sa mgg kuhang video at larawan ay hindi kita ang mukha ng babae at sa ngayon ay hindi pa rin lumalantad ang nasabing babae upang ipagtanggo ang kanyang side.




 

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma