Vice Ganda Nais Ng Isang Kapuso Show!

 


Unkabogable star na si Vice Ganda, matapos na lumipat sa kapuso network, gustong kunin ang isang kapuso comedy show!


Sa bagong format ng Bubble Gang ay ang actor comedian na si Micheal V ay agad na sinabi na si Vice Ganda ang kanilang gustong magguest sa kanilang comedy show.


Noong media con ng Bubble Gang ay sinabi ni Micheal V na mismong si Vice Ganda raw umano ang nagpakita ng interes na magguest sa kanilang show.


Ito daw ang isa sa kanilang pinag-usapan ng makasama silang magguest sa concert ng celebrity couple na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.


Sa naging pahayag ni Bitoy ay sinabi niya na, "Sa concert ni Ogie and Regine before nung magkasama kami as guest, magkasama kami in one of those rehearsals."


"Palagi niyang minimension sa akin yun, na i-guest mo naman  ako sa Bubble Gang. Ako in a heartbeat gagawin ko kung walang magiging aberya. In a heartbeat gi-guest ko talaga siya."


Samantala, naglabas naman ng pahayag si Vice Ganda na magpopromote siya ng ilang shows ng kapuso networks.


Dagdag pa ni Bitoy, "Sana nga si Vice Ganda ay open to collaboration, the last time we meet the last time na nagka-usap kami, lagi niyang sinasabi na sana makapagguest ako sa Bubble Gang noh' sana."


Sa ngayon ay masaya ang buong cast ng Bubble Gang dahil sa mayroon na silang bagong format sa pagtatanghal ng kanilang show ay mayroon na silang audience sa kanilang taping.


Pero sa ngayon ay nagpasya na si Micheal V na medyo bawasan muna ang kanyang trabaho at ipinahayg na nga niya ang pag-alis bilang creative head ng Bubble Gang at mas aktibo nalang siya sa paggawa ng Pepito Manaloto.


Para mabawasan daw ang stress at ang mahalaga ay ang mapangalagaan niya ang kanyang kalusogan at para makapaglaan na din ng masmarami pang oras sa kanyang pamilya.


Agad naman itong sinang-ayunan ng mga netizens lalo ng kanyang mga fans at solid na mga tagasuporta.



Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma