Pokwang, Ibinulgar Ang Naranasang Pag-Uugali Ni Zeinab Harake!


Inulan ng papuri ang social media influencer at vlogger na si Zeinab Harake mula sa actress comedian na si Pokwang.


Ito ay ibinandera pa mismo ni Pokwang sa kanyang Instagram stories, na kung saan ay sinabi niya na nagagandahan siya sa pag-uugali na mayroon itong si Zeinab Harake.


Dito na nga ibinunyag ni Pokwang na magkakaroon sila ng collaboration ni Zeinab Harake, at nagkusang loob pa daw umano itong nag-offer ng tulong para sa gagawin nilang content.


Nasa caption nga ito ni Pokwang at ibinahagi din niya ang naging conversation nila ng social media star at vlogger na si Zeinab Harake.


Aniya sa kanyang caption, "Napaka bait na tao nitong si Zeinab Harake, siya pa talaga nagremind sa akin to help me with our new vlog. Godbless you more."


Makikita din sa ibinahaging conversation nila ang iba pang mga papuri ni Pokwang para kay Zeinab Harake.


Aniya pa, "Awwwww sobrang hanga din ako sa tapang at pagsisikap mo nak. Deserve mo kung anung meron ka ngayon nak, see you soon!"


Agad naman na nagreply si Zeinab sa mga naging papuri sa kanya ng komedyante, sagot niya, "Ma kailan mo want mag-collab and ayusin yt, (YouTube) mo po?"


Agad naman na tumugon ang komedyana sa tanong sa kanyang vlogger aniya, "Sa Huwebes o kaya sa Biyernes kung kailan libre si Zeinab. 


Kung matatandaan ay noong nakaraang buwan ay nakiusap si Pokwang sa netizens na wagnang tangkilikin ang dati niyang YouTube channel kasama ang kanyang ex-husband na si Lee O'Brian.


Saad pa ni Pokwang na siya ang nagpakahirap pero iba ang nakikinabang sa naturang YouTube channel.


Kaya naman nananawagan siya sa kanyang mga fans at mga taga suporta na ang bago niyang YouTube channel ang suportahan, na kasama ang kanyang anak na si Malia.


 
 

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma