Vice Ganda May Patama Sa Sa Alaga Niyang Si Awra Briguela!.....



Naging usap-usapan sa social media ang tila patama ni Unkabogable  Star at TV host na si Vice Ganda sa kanyang alaga na si Awra Briguela.


Na matatandaang nitong kamakailan ay nasangkot sa isang kagulohan sa isang bar sa Poblacion ng Makati City.


Na humantong din sa pagkakaaresto ni Awra Briguela, at kinasuhan nga si Awra ng Physical Injuries, Alarm and Scandal, Disobedience to Authority Direct Assault.


Sa ngayon ay pansamantalang nakalaya si Awra Briguela, matapos siyang makapagpiyansa ng halagang 6,000 pesos.


Sa isang video nila Vice Ganda ay na pansin kasi ng mga netizens na tila iretable ito ng humirit ito patungkol sa Poblacion sa July 3, episode ng It's Showtime.


Pinansin kasi ni Vice ang aniya'y pang-poblacion na chant ni Anne Curtis sa opening ng kanilang show.


Pinangunahan kasi ni Anne ang chant o awit na sinundan naman ng audience.


Ani Vice, "Ang ganda, ang ganda nung chant, pang poblacion." At ng mapagtanto ni Anne ang tungkol sa Poblacion  ay napahawak nalang siya kay Vice.


Ipinost naman agad ito sa social media ng isang netizens at sinang-ayunan naman agad ito ng ilan pang mga netizens.


Samantala, nareto naman ang ilang mga naging komento ng netizens tungkol dito. 


"Mukhang naiirita si Vice sa kagagahan ng kanyang alagang si Awra Briguela."


"The design is very na inis sa nangyari."


"Nung first day palang nung issue nagparinig na siya sa Showtime. Sinabi niya yung word na Rambulan, then sabi niya nakakastres."


"Deserve. Kung nasa tama si Awra malamang umaksyon agad si Meme. Never nagtotolerate yan ng mali, kahit kapatid niya chika niya sa Magandang Buhay."






Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma