Sunshine Cruz, ikinuwento kung paano nagdesisyong makipag ayos kay Cesar Montano at partner nito!

 


Naghatid ng inspirasyon ang dating sexy star at actress na si Sunshine Cruz sa maraming mga netizens matapos ang kanyang mga pahayag patungkol sa buhay mag-asawa nila noon ng actor na si Cesar Montano noong maghiwalay sila at ang relasyon nila ngayon bilang magkaibigan para sa kanilang mga anak.


Sa kabila ng tinahak ni Sunshine noon bilang isang sexy star ay ngayon ay nakuha niya ang respeto ng mga tao dahil nasaksihan  nga ng madla ang lagat ng kanyang pinagdaan para itaguyod ang kanyang mga anak at napalaki ang mga ito ng maayos sa kabila ng kanyang pagiging single mom.


Sa naging panayam nga na Sunshine Cruz kay Karen Davila sa YouTube Channel nito ay muli nga na naghatid ng inspirasyon ang actress sa mga netizens.


Dahil dito ay ipinahayag niya kung papano niya napagpasyahang ayusin ang relasyon niya sa dating asawa nia na si Cesar at sa bagong live in partner nito ngayon.


Ayon mismo kay Shunshine na nagsimula umano ito ng minsan nakasama ng kanyang mga anak si Cesar at nakita niya umano kung gaano kasaya at ka excited ang kanyang mga anak.


Dahil pag-uwe ng mga ito sa bahay ay kaagad daw siya na pinuntahan sa kanyang kwarto upang ikuwento ang mga activities na ginawa nila kasama ang kanilang amang si Cesar Montano.


Pahayag ni Sunshine, "Eveytime that they would go out, na kikita ko kung gaano ka saya ang mga anak ko. Everytime na kasama nila ang tatay nila. Papasok kaagad sa kuwarto ko yung mga yan, kukuwento nila kung ano ang mga activities nila with Cesar, with their little siblings, with Kath yung partner ngayon ni Cesar, at nakikita ko kung gaano ka galak ang puso ng mga anak ko."


Kasunod nga nito ay tinanong din siya ni Karen kung nagawa ba ni Cesar na humingi ng tawad sa kanya, atang sagot ng ni Sunshine kay Karen.


Aniya, "Meron mga interviews na sinabi niya na, 'sana dumating yung point na mapatawad.' Kahit naman hindi siya humingi ng tawad, okay na ako eh and nakikita ko na okay na din siya and nakikita ko lalong-lalo na na masaya at okay ang mga anak ko."


"Kasi for me miss Karen buhay ko ang mga anak ko. Ang happiness nila ang kaligayahan ko rin."


Samantala, ibinahagi din ni Sunshine ang buhay niya noon bilang isang sexy star at kung papano siya inalis ni Cesar sa buhay na iyun.


Ayon kay Sunshine na bata palang daw kasi siya noon ng magdesisyon siya na tahaking ang karera na iyun at hindi pa daw niya naiisip noon ang magiging consequence ng kanyang mga ginagawa.


Kaya naman maaga din siyang pinakasalan noon ni Cesar upang makaalis sa ganoong trabaho.


Gayun paman ay hindi naman daw niya ito pinagsisihan dahil mayroon naman daw siyang mga aral na nakuha mula sa kanyang mga pinagdaanan at iyun daw yung mahalaga.




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma