Rico Yan Brother Bobby Yan Nag Reak Sa Claim Ni Sabrina M, Claudine Nag Pasalamat!

 


Viral at mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang balaik ni Claudine Barretto na sampahan ng kaso ang dating sexy star na si Sabrina M, dahil sa mga sinungaling nitong pahayag sa publiko na makakasira daw sa rpangalan ng namayapang actor na si Rico Yan.


Sa vlog ng Talent manager at kulumnitang si Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel na showbiz update ay sinabi niya na tila nagbabalak daw na sampahan ng demanda ni Claudine si Sabrina M.


Ito nga ay dahil sa pahayag ni Sabrina na nagkaroon sila ng relasyon ng yomaong actor na si Rico Yan.


Na ayon nga kay Sabrina na sila parin hanggang sa ito ay pumanaw at sumakabilang buhay na.


Ito ay nabanggit ni Sabrina M sa naging panayam sa kanya ng press sa media conference para sa pelikulang Manang, at nabanggit din niya na alam daw ni Claudin Barretto ang tungkol sa relasyon nila ng namayapang actor.


Ayon naman sa aming nakalap na impormasyon ay hindi raw totoo ang mga pinagsasabi ni Sabrina M. ito ay kinumpirma ng kaibigan mismo ni Sabrina na si Katrina Paula.


Sa ngayon daw ay pinigilan na at pinagsabihan si Sabrina ng mga kaibigan nito na wag nang ungkatin pa ang nakaraan lalo pa at hindi naman daw ito totoo.


Dahil nga dito ay tila nagalit daw si Claudine kay Sabrina at tila nagbabalak daw ito na magsampa ng demanda laban sa dating sexy star na si Sabrina M.


Mensahe naman  ni Ogie kay Sabrina M, "Bakit Sabrina, bakit kailangan mag-imbento kung kailangan magbalik sa showbiz."


Tanong pa ni Mama Loy ay bakit si Rico Yan pa ang naisip niyang gamitin o gawan ng kuwento. Dahil baka masira daw ni Sabrina ang pangalan ng namayapang aktor.


Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng karamihan ang tunay na pagkatao ni Rico Yan at kung ano ang kanyang character ay ganun talaga ang kanyang tunay na ugali. 


Isang mabuting tao ang namayapang actor at gentleman pa, mabuti din itong kaibigan at maypaninindigan sa sarili kaya hiling ng marami na sana tigilan na ni Sabrina ang mga kasinungalingan na iniimbento niya bago pa niya ito pagsisihan.





Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma