Rendon Labador, Binanatan Si Ricci Rivero!.....

 


Sa naging pag-uusap kasi nina Vice Ganda at Andrea ay may mga nakakagulat na rebelasyon ang actress at CEO na si Andrea Brillantes patungkol sa nagdaang relasyon nila ng kanyang ex-boyfriend na si Ricci Rivero.


Isa na nga dito ay ang pagbibigay di umano ni Andrea ng mga regalo na umabot nga daw sa mahigit sa isang milyon.


Tulad nalang ng pagpupuno ng mga kagamitan sa condo unit nito at umanoy hindi nito pagpapalaundry ng mahigit sa isang taon.


Talaga namang napaka raming nawindang sa naging mga rebelasyon na ito ni Andrea Brillantes na mismong si Meme Vice Ganda ay hindi napigilang itago ang kanyang pagkagulat.


Samantala, matapos nga na nagviral ang mga rebelasyon na ito si Andrea ay isa nga ang social media personality at motivational speaker na si Rendon Labador sa mga nagreak sa naging pahayag na ito ng actress.


Dito nga ay hindi napigilan na madismaya ni Rendon Labador sa basketbolistang si Ricci Rivero, na tinawag pa mismo itong isang kahihiyan para sa mga kalalakihan.


Aniya, "Kahihiyan sa ating mga kalalakihan si Ricci Rivero, puro porma palamunin pala! Puro ka porma palamunin ka pala."


Ito ay ilan lamang sa mga naging banat ni Rendon kay Ricci Rivero.


"DUGYOT KA NA, PALAMUNIN KA PA!"

Ito ang naging mensahe ng social media personality na si Rendon Labador sa kaniyang Instagram story ngayong Lunes, Hulyo 17, sa basketball player na si Ricci Rivero, matapos ang naging panayam sa dati nitong kasintahan at aktres na si Andrea Brillantes sa vlog ng TV host na si Vice Ganda nitong Linggo, Hulyo 16.


Tila pinagsisisihan din ngayon ni Rendon ang pagkampi niya noon kay Ricci, para sa isinusulong niyang. #career muna bago landi.


Gayung isa daw palang palamunin na lalaki ang basketbolistang si Ricci Rivero.


Ani Rendon, "Kinampihan pa naman kita bro sa # career muna bago landi, akala ko matindi ka talaga yun pala piro ka porma. Dugyot kana, palamunin kapa."


Dagdag pa na banat ng motivational speaker na si Rendon Labador para sa mga naging pahayag ni Ricci sa YouTube Channel ni Isko Moreno na Iskovery Night.


Saad ni Rendon, "Hindi na counted yung mga statements mo bro kasi puro ka porma, yun pala wala kapang laundry, dugyot na, palamunin ka pa. Kinuha mo na lahat ng award."


Samantala, pabiro namang nagpahayag si Rendon Labador para sa actress at CEO na si Andrea Brillantes.


Aniya, na sa dami umanong puwedeng ibigay na gamit kay Ricci Rivero ay bakit daw nakalimutan niyang bigyan ng washing machine si Ricci Rivero.


Sad ni Rendon, "Ang pinagtataka ko lang, sa daming binigay na gamit ni Andrea kay Ricci nakalimutan niya pang magbigay ng washing machine."














Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma