Claudine Barretto at Sabrina M Pinapatigil Na Ng Ina Ni Rico Yan!! Patahimikin Niyo Si Rico at Kami!

 


Matapos nga ang pagpapalitan at buweltahan ng mga pahayag ng kampo ni Claudine Barretto at kampo ng dating sexy star na si Sabrina M ay sa wakas ay nagsalita na nga ang ina ni Rico Yan tungkol sa issue nga ng dalawang celebrity na ito.


Mula sa naging update o sa YouTube Vlog ni Ogie Diaz ay ipinakita niya ang mensahe ng pakiki-usap ng ina ng yomaong actor na si Rico Yan sa pamamagitan ng text message!..


Sa nasabing mensahe ng ina ni Rico ay sinabi nito na tigilan na nila Sabrina at Claudine ang paggamit sa pangalan ng yomaon nitong anak dahil bilang respeto na din kay Rico Yan at sa pamilya Yan.


Ayon sa ina ni Rico Yan na matagal na umanong pumanaw ang kanyang anak ngunit patuloy parin itong ginagamit sa pangsariling paraan, unfair raw umano ito dahil wala na si Rico para ipagtanggol ang kanyang sarili at ito umano ay kawalang respeto sa taong pumanaw na.


Narito ang kabuohan ng mensahe ng ina ni Rico Yan na ipinakita ni Ogie Diaz sa Publiko.


"It has been 21 years since Rico Passed on March 29, 2002. The pain of the family losing a son and a brother, has been permanently etched into our being."


"The recent news swirling around Rico is very unfair. He is no longer around to give his comments, to either refute, deny or acknowledge the claims."


"It is not only unfair, but disrespectful. I asked everyone concerned to please stop using Rico's name for their individuals purposes. Please leave Rico and us peace."


Sa ngayon ay wala pang anu mang pahayag ang kampo ni Claudine Barretto at kampo ni Sabrina sa mensahing ito ng ina ni Rico Yan.


Makikita naman na talagang nadismaya ang pamilya Yan sa issue na ito kaya naman inaabangan ngayon ng marami kung ano ang magiging tugon o reaksyon ni Claudin Barretto gayung wala ni isa sa kanila ang kinampihan ng ina ng yomaong actor.








Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma