Pamilya Ni Rico Yan Nagsalita Na Hinggil Sa Mga Pagbubulgar Ni Sabrina M!..

 


Nanay ng yomaoang actor na si Rico Yan nagsalita na hinggil sa mga naging pahayag ng dating sexy star na si Sabrina M sa publiko. 


Kung matatandaan nito lamang kamakailan ay ikinawendang ng mga netizens ang ginawang pambubulgan umano ni Sabrina M tungkol sa lihim na relasyon nila umano ng yomaong actor na si Rico Yan.


Sa isang pahayag ay ipinagdiinan ni Sabrina na siya ang huling karelasyon ni Rico Yan na umabot ng ilang taon at hanggang sa namatay si Rico ay siya ang karelasyon ng actor at hindi si Claudine Barretto.


Pero ang mas ikinagulat ng lahat ay ang pahayag niya na umabot umano sila ng mahigit sa dalawang taon ang kanilang relasyon at sinabi niya pa na alam umano ito ni Claudine Barretto at maging ang kapatid ni Rico Yan na si Bobby Yan.


Ngunit ayon sa kampo ni Claudine Barretto ay wala umanong katotohanan ang mga pahayag ni Sabrina M dahil hindi umano kapanipaniwala ang time line ng naging relasyon nila ni Rico Yan.


Dahil ang sabi ni Sabrina na nagkarelasyon sila ni Rico matapos maghiwalay sina Claudine at Rico at umabot pa umano sa mahigit sa dalawang taon ang kanilang relasyon at inilihim lang daw nila ito dahil sa siya ay isang sexy star.


Ngunit kung susumain mula ng maghiwalay sina Rico Yan at Claudine ay mga ilang buwan palang nun ay namatay na si Rico Yan kaya naman imposible ang mga pinagsasabi di umano ni Sabrina M.


Samantala, naglabas na din ng kanilang pahayag ang pamilya ni Rico Yan hinggil sa mga naging pahayag ni Sabrina M sa publiko.


Hindi nga nagustohan ng ina ni Rico Yan ang ginawang panggagamit ni Sabrina sa pangalan ng anak nito kaya naman nagsalita na sila.


Ang ina ni Rico Yan ay nagpadala ng isang mensahe para sa talent manager at kulumnistang si Ogie Diaz sa pamamagitan ng isang text massage.


Ang kapatid ni Rico Yan na si Bobby Yan ang mismong nagpadala ng mensahe kay Ogie Diaz na galing mismo sa ina ni Rico Yan.


Ito nga ay upang iparating kay Sabrina ang kanilang pagkadismaya sa ginawa nitong panggagamit sa pangalan ng anak nitong si Rico Yan.


Ayon sa ina ni Rico Yan na matagal na umanong pumanaw ang kanyang anak ngunit patuloy parin itong ginagamit sa pangsariling paraan, unfair raw umano ito dahil wala na si Rico para ipagtanggol ang kanyang sarili at ito umano ay kawalang respeto sa taong pumanaw na.


Narito naman ang buong nilalaman ng text message na ipinadala kay Ogie Diaz, "The pain of the family losing a son and a brother, has been permanently etched into our being."


"The recent news swirling around Rico is very unfair. He is no longer around to give his comments, to either refute, deny or acknowledge the claims."


"It is not only unfair, but disrespectful. I asked everyone concerned to please stop using Rico's name for their individuals purposes. Please leave Rico and us peace."


Sa ngayon ay wala pang anumang sagot si Sabrina M sa pahayag na ito ng pamilya ng yomaong actor.






Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma