Netizens Nawindang Sa Ginawa Nina Toni Fowler at Lovi Poe!

 


Tila na hawa na nga sa kakulitan ng vlogger at social media influencer na si Mommy Toni Fowler ang actress na si Lovi Poe.


Si Lovi Poe at si Toni Fowler at kasalukuyang magkasama sa isang proyekto sa serye ng FPJ's Batang Quiapo na pinagbibidahan at idinidirek ni Coco Martin.


Ang karakter nina Lovi Poe at Toni Fowler ay matalik na magkaibigan na sina Lovie Poe bilang si Mokang at si Toni Fowler naman bilang si Chikey.


Kamakailan nga ay nag viral sa social media ang naging prank ni Toni Fowler sa kanyang onscreen bestffriend na si Lovi Poe na tinawag niyang attitude prank.


Naging matagumpay naman ang prank na ito ng vlogger dahil makikita naman talaga sa reaksyon ng mukha ng actress na nabigla siya sa pagbabago ng ugali ni Mommy Toni Fowler.


Ngayon naman ay muling sinakyan ni Lovi Poe ang kakulitan ni Mommy Toni Fowler at marami naman sa kanilang mga taga hanga at sa mga netizens ang talagang naaliw sa ginawa ng dalawa.


Ginaya kasi ng dalawa ang ngatetrending ngayon na sayaw sa social media na "Bakit malungkot ang beshy ko?" habang tumatambling at umisplit.


Sa Instagram nga ni Mommy Toni Fowler ay ibinahagi niya ang kakulitan nilang ito at nagustohan naman ito ng marami at dahil nakapagbigay nga ito ng saya at pagkaaliw sa mga tao.


Marami nga sa mga netizens nag humanga sa aktres na si Lovi Poe dahil sa mga pagsabay nito sa kakulitan ng vlogger na si Toni Fowler. 


Makikita din kay Lovi ang walang kaartehan sa sarili at maayos na pakikitungo sa kanyang mga nagiging katrabaho.


Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma