Kaibigan Ni Sabrina M Na Si Katrina Paula, May Ibinunyag!


 Nagsalita na nga ang isa sa mga kaibigan ni Sabrina M na si Katrina Paula, patungkol sa naging rebelasyon ni Sabrina M tungkol sa lihim na relasyon nila noon ng namayapang actor na si Rico Yan.


Ikinagulat ng marami ang naging pagbubunyag ni Sabrina M tungkol sa lihim nilang relasyon ni Rico Yan na umabot din umano ng ilang taon.


Ayon pa sa kuwento ni Sabrina M ay naging sila ng aktor matapos ang hiwalayan nila Rico at ng actress na si Claudine Barretto, at siya umano ang kasalukuyang jowa ng actor noong pumanaw ito.


Sinabi ni Sabrina ito sa isang panayam sa kanya ng press sa media con ng bago nilang movie, ayon pa sakanya na hindi niyarin daw alam kung bakit niya na bunyag iyun siguro ay sa haba ng panahon na kanyang pananahimik at dahil sa tanong sa kanya ng press.


Ngunit dahil sa pahayag niyang ito ay katakot-takot na pambabatikos at mga maaanghang na mga salita ang kanyang natatanggap mula sa mga netizens.


May kumakalat pa na mga balita na nagpaplanu na daw si Claudine na siya ay edemanda at kasohan dahil daw sa mga naging pahayag niya na puro kasinungalingan lamang at sanbi pa ng ilang mga kilalang personalidad sa showbiz ay ginamit niya lang daw iyun para siya ay muling makilala sa showbiz.


Ngunit gayun paman ay iginiit niya na hindi siya nagsisinungaling.


Pahayag niya, "Hindi naman ako sinungaling na tao para gumawa ng story. Sobrang discreet kami talaga, at iwan ko ba noong presscon bigla akong napaamin."


"Pero sobrang nakakaproud naman na nagkaroon ako ng isang Rico Yan sa buhay ko. Kahit sino ay magiging proud na mayroong Rico Yan  na naging parte ng buhay mo kaya super dedma nalang ako sa mga basher."


"Yung iba personalan na kung mang-bash Pero dedma nalang talaga ako. What's important is alam at hawak ko ang katotohanan."


Ngunit ayon naman  sa kanyang kaibigan na si Katrina Paula ay wala umanong katotohanan ang sinabi ni Sabrina M. siguro daw ay nagkatikiman lang daw sila pero walang namamagitan relasyon sa dalawa. 




 





Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma