Jessa Zaragoza May Malaking Rebelasyon Tungkol Sa Pambababae Ni Dingdong Avanzado!....

 


Jessa Zaragoza may naging mainit na rebelasyon sa naging guesting nila ng kanyang asawa sa programa ni Boy Abunda na Fast Talk with Boy Abunda.


Sa naging panayam kasi ni Boy sa mag-asawa ay nagkalabasan ng mga hinaing o mga itinatagong damdamin na ngayon lang na ilabas dahil sa mga naging tanong sa kanila ni Boy Abunda.


Napag-usapan kasi nila sa programa ay ang tungkol sa naging pagsasama nila ng mahigit sa dalawang dekada.


Dito nga ay inamin ng batikang singer at actress na si Jessa Zaragoza na na kayang-kaya niyang maging konprontahin at maging malahalimaw sa tuwing nakikita niya na mayroong mga lumalandi sa kanyan asawa.


Pero nilinaw naman niya na hindi naman siya nangangaway o di kaya ay nanunugod iba daw kasi ang konsepto niya ng pagiging confrontational kapag-may mga umaaligid na babae sa kanyang asawa.


Aniya, "Dumating yan siguro earlier part ng relationship namin pero ako hindi ako nang-aaway."


Dagdag pa niya, "Pero ako kasi pagnagagalit ako lalong bumababa ang boses ko, hindi ako sumisigaw, pero ipaparinig ko sayo ang galit ko."


Kasunod naman na nagpaliwanag si Dingdong Avanzado at sinabi niya na never pa daw niya na binigyan ng dahilan si Jessa Zaragoza na magselos o kahit magduda sa kanya.


Ani naman ni Jessa, "Ang pinagseselosan ko minsan ang telepono niya kasi yun ang times na, pero alam ko naman na minsan work eh."


Kuwento pa ni Jessa na sa mahigit sa 22 years na nilang nagsasama bilang mag-asawa ay mayroon parin silang nadidiskubri na pag-uugali at pagkatao ng isa't isa.








Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma