Gerald Anderson, Ibinahagi Ang Mga Dahilan Kung Bakit Mahal Na Mahal Niya Si Julia Barretto!

 


 Sa naging pag-guest ng aktor na si Gerald Anderson sa online talk show ni Isko Moreno, na Iskovery Night, ay na ibahagi niya sa mga manonood kung bakit nagtagal ang relasyon nila ng actress na si Julia Barretto.


Kung ikukumpara sa mga nagdaang interview ni Gerald sa ibang mga Talk show ay tila mas bukas na ngayon ang aktor na ibahagi ang tungkol sa relasyon nila ngayon ng kanyang nobya na si Julia Barretto ngayong tatlong taon na ang kanilang relasyon.


Gayun paman ay mapapansin parin naman kay Gerald na tila maingat parin ito sa pagsagot sa mga ibinabatong tanong sa kanya ni Isko Moreno.


Lalo na pagdating sa mga bagay na pinagdaanan nila noon, nung nagsisimula pa lamang ang kanilang relasyon.


Ayon pa sa aktor na bagamat dumaan na nga ang tatlong taon sa kanilang relasyon ay hindi niya daw umano ito na pansin, dahil sa magaan daw umano kasama si Julia, na parang hindi mo mararamdaman na isa siyang obligasyon.


Kuwento ng aktor sa harap ni Isko Moreno, "Yung 3 years na yun, masaya, magaan. Nagulat nga ako eh, nasabi ko, oh' thay long na?"


Pagpapatuloy niya pa, "I think dun mo talaga malalaman na masaya ka talaga, kasi hindi mo na binibilang eh."


Dahil sa mga naging pahayag na ito ng aktor ay natanong siya ni Isko kung anu ang mga magandang nakita niyang quality sa nobya, para maramdaman niya ang ganoong klaseng saya sa piling ni Julia.


Ayon kay Gerald na bukod daw sa magaan at masayang kasama ni Julia ay napaka-supportive din daw umano nitong si Julia sa lahat ng mga gusto niyang gawin, sa kanyang career o maging sa personal na buhay.


Maliban parito ay mayrespeto din daw ang actress sa oras na inilalaan ni Gerald sa paglalaro ng basketball at sa pag-aasekaso ng kanyang mga pinapatakbong mga negosyo.


Pahabol pa niya na hindi rin daw mahilig manombat si Julia kung sa kaling tila hindi na niya ito na bibigyan ng masmaraming atensyon at oras, dahil sa kanyang pagiging busy.


Hindi rin daw si Julia nagdedemand ng oras na dapat ilaan ng aktor para sa aktres kaya ni minsan ay hindi niya daw naramdaman na isang obligasyon angb relasyon nila ni Julia.


Kaya naman dahil nga dito ay bumabawi nalang daw umano siya sa aktres sa mga araw na hindi niya masyadong nabibigyan ng atensyon ang nobya, kaya niyayaya niya nalang itong mag-date upang makabawi naman daw siya sa mga pagkukulang niya.





Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma