Francine Diaz at Seth Fedelin Official Na!

 


Trending at mainit parin na pinag-uusapan sa social media ang ginawang pagsurpresa ni Francine Diaz sa ka loveteam nito na si Seth Fedelin para sa 21st birthday nito sa ASAP Natin To nitong July 9.


Wala daw kasing kamalay-malay si Seth Fedelin na nandoon si Francine Diaz kaya laking gulat niya ng biglang nakita niya si Francine at sinamahan siya sa Stage.


Doon nga ay nagbigay ng mga nakakakilig na mensahe si Francine para sa birthday boy at onscreer partner niyang si Seth Fedelin.


Aniya, "I'm Very-very proud of you and thank you kasi sobrang marespeto ka sakin, I'm very thankful na ikaw ang onscreen partner ko."


"And off screen" ito naman ang pabirong sabi ni Seth bilang dagdag niya sa mensahe para sa kanya ng kanyang kaloveteam.


Samantala, patuloy parin na magpapakilig ang FranSeth sa Dirty Linen at bukod rito ay malapit na din na mapanood ang bao nilang online series na Fractured.


Ang maganda pa nito ay makakapamasyal sila sa sunod na buwan sa Bansang California dahil may nakatakda silang show sa Sacramento kasama sina Janine Gutierrez, Zanjo Marudo at iba pang mga artista.







Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma