Atty. Topacio Binigyan Ng Ultimatum Si Sabrina M. Para Mag-Apologize Kay Claudine Barretto!....


Atty. Ferdinand Topacio na abogado ni Claudine Barretto binigyan ng Ultimatum ang dating sexy star na si Sabrina M. dahil sa mga naging pahayag nito sa publiko na isa naman daw umanong kasinungalingan.


Sa isang eksklosibong panayam kay Atty. Ferdinand Topacio ay sa naging pahayag nito ay tila binigyan niya ng ultimatum si Sabrina M sa mga kasinungalingan nito sa publiko.


Binalaan ni Atty. Topacio si Sabrina M na gagawa sila ng legal na mga hakbang laban sa kanya kung hindi siya hihingi ng tawad kay Claudine Barretto, Sa pamilya ng namayapang actor na si Rico Yan at maging sa yomaong actor.


Matatandaang na nag-ugat ang issue na ito sa naging pag-amin o pagbubunyag ni Sabrina M ang tungkol sa lihim na relasyon umano nila ng yomaong actor na si Rico Yan.


Sila daw ay nagkaroon ng relasyon matapos ang hiwalayan nina Claudine at Rico Yan noon, at ayon pa sa kanya na noong namatay si Rico ay siya ang kasalukuyang karelasyon noon ng yumaong aktor at hindi si Claudine at iginiit pa niya na alam daw ni Claudine ang lahat ng iyun.


Samantala, detalyado namang ibinahagi ni Atty. Topacio kung paanu na apektuhan ng husto si Claudine Barretto sa mga naging salaysay ni Sabrina sa publiko.


Pahayag naman ng tagapagsalita ni Sabrina M na noong naging sila daw ni Rico Yan ay itinago daw nila ito sa publiko dahil nga sa siya ay isang sexy star at matapos daw nila claudine namaghiwalay ay naging sila na at umabot daw ito ng ilang taon hanggang sa namatay si Rico.


Ngunit kung susumain naman ang mga taon noong naghiwalay sina Claudine at Rico Yan ay imposible daw na naging taon ang relasyon nila kung naging sila man tulad ng sabi niya.


Ayon pa kay Atty. Topacio na paano daw naging sila eh matapos daw na maghiwalay sina Claudine at Rico Yan ay ilang buwan palang ang nakalilipas ay pumanaw naman ang actor.


Dagdag pa ng abugado na pinapalabas kasi ni Sabrina M na si Rico Yan ay Two Timer at alam daw ito ni Claudine.


Pero ayon sa abugado ay kung alam daw ito ni Claudine ay napakababa naman ng moral niya at pumayag siya sa buhay nila ni Rico Yan.


Pagpapatuloy pa ni Atty. Topacio, "Mag-apologize ka nalang Sabrina M since iisang mundo lang ang ginagalawan natin at wag naman tayong gumamit ng taong wala na rito sa mundo at hindi na niya maipagtatanggol ang sarili niya dahil wala na siya."


Sa ngayon ay binibigyan nalamang daw ng tatlong araw ng kampo ni Claudine si Sabrina M para humingi ng tawad sa mga kasinungalingan niya dahil kung hindi niya gagawin yun ay mapipilitan na silang gumawa ng mga legal na hakbang laban sa kanya.






 

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma