Vice Ganda Reacts to Its Showtime Kapuso Na!...

 


Ngayong araw Martes June 20,2023 opisyal na ngang inanunsyo at kinumpirma ng GMA, Kapuso network ang paglipat ng ABS-CBN show na It's Showtime sa kanilang network na Gtv.


Sa social media page ng GMA ay masaya nilang ibinahagi ang larawan ng It's Showtime Family.


Bilang pagwewelcome sa kanilang bagong tahanan, sa pagiging kapuso na din.


Caption naman ng GMA, "It's Showtime, ABS-CBN iconic noontime show, is set to air on GMA'S GTV (Good Television) starting to July 1."


At maging ang Unkabogable star na si Vice Ganda ay inirepost din ang naturang post ng GMA Network.


Caption naman niya sakanyang ibinahaging post, "Tara na G na G na kami"


Bukod dito ay ikinumpirma din ng ABS-CBN na mula sa July 1 ay mapapanood na GTV ang It's Showtime mula Lunes hanggang Sabado ng tanghali.


Pahayag din ng ABS-CBN na mawawala na sa TV5 ang It's Showtime dahil sa hanggang sa kataposan lang daw ngayong buwan ang kontrata ng It's Showtime sa TVG at hindi na daw sila magrerenew.


Ito ay dahil ayaw daw nila na ipalabas sa ibang oras ang kanilang show, dahil ayon sa balita ay papalitan na ng bagong show ng TVJ at Dabarkads ang noontime slot ng It's Showtime sa TV5.


Inamin naman ng ABS-CBN na inalok sila ng pamunoan ng TV5 na 4:30pm timeslot ngunit tinanggihan raw nila ito. 


At sinabi raw nila sa TV5 na nakahanap na nga daw sila ng bago nilang tahanan at ito nga ay ang GTV na pagmamay-ari ng GMA.




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma