Vice Ganda May Resbak Sa Mabilis Na Pangyayari Ng Pag Alis Sa Tv5, Pero Gma7 Winelcome Ang Show Time!...

 


Matapos nga na inanunsyo ng ABS-CBN ang pag-alis ng It's Showtime sa TV5 at nagpasalamat din ang mga ito sa mga panahon na pinagsamahan nila sa pagiging partnership.


Ay ibinahagi nga ng ABS-CBN na mapapanood na simula ngayong darating na July 1 ang It's Showtime sa GTV na pagmamay-ari ng GMA channel.Sa dati parin nitong oras na alas 12 ng tanghali.


Samantala, malugod namang wenelcome ng Chairman at CEO ng GMA network na si Atty. Felipe Gozon ang It's Showtime.


Aniya, "We are happy to provide a home to It's Showtime, We will be a big contract signing soon."


Marami namang mga nagsasabi na baka daw mapalitan na ang Eat Bulaga ng mga Jalosjos o ng TAPE icorporated dahil sa paglipat ng Eat Showtime. At ang It's Showtime na ang magdala ng noontime slot ng Eat Bulaga ng mga Jalosjos.


Samantala, nagbigay naman ng minsahe si Vice Ganda para sa kanyang mga kasamahang host sa It's Showtime.


Narito naman ang kanyang naging mensahe, "Dear It's Showtime family."


"Alam kong nagulat kao, naguguluhan, natatakot, nalolongkot naiiyak. Haaaay hingang malalim, maykaguluhan at kabilisan ang mga ganap."


"Ganun paman kalma lang atleast try, nakakabigla man ang mga nangyayari, sabi nga ng linya ko sa kanta natin, Basta't kasama kapamilya, kahit anu pa yan kayang-kaya."


"Sa dami ng mga pinagdaanan natin kering-keri natin to, naranasan na natin ang matorture, mabugbuog, ilibing ng buhay. Ngayon pa ba? Tapik na lang to!.


Pagpapatuloy niya pa, "Marami man ang walang kasiguruhan, pero sigurado akong, mahal tayo ng minamahal nating madlang people. At ang pagmamahal na iyun ang bumuhay sa atin, sa bawat paghihingalong naranasan natin noon. Ang puso ng madlang people ang totoong tahanan natin."


Dagdag pa niya, "Kaya tuloy lang, patuloy tayong magpasaya, at magbigay ng pag-asa. Ituloy lang ang sikap sa dulo ay kikislap! Sa oras ng iyong panghihina, at pagkalito ay sasamahan kita."




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma