Skusta Clee, May Pasaring Kay Zeinab Harake Sa Araw Ng Father’S Day!

 


Hanggang sa ngayon ay mainit na pinag-uusapan parin sa social media ang tila malalim na hugot ng rapper na si Skusta Clee.


Marahil ay patama niya ito sa kanyang dating kasintahang si Zeinab Harake na ngayon ay masaya na sa bisig ng bago nitong jowa na si Bobby Rey Parks Jr.


Sa kabilang banda kasi ay binati ng vlogger na si Zeinab ang jowa nito ngayon na si Rey Parks na Happy Father's Day.


Para raw kasi sa vlogger na si Rey Parks ang siyang tumatayong ama sa kanyang anak ngayon.


Aniya sa kanyang pahayag, "Happy Father's Day din sa partner kong nagpapakatatay para sa akin. Thank You!"


Dagdag pa niya, "Sa mundong mayroon ako, sa dami ng dinadala ko, hindi puweding hindi ako baby minsan, at salamat sa diyos kasi binigyan niya ako kasi binigyan niya ako ng partner na hindi na pasasakitin ang ulo ko, pagdating sa mga walang kuwentang bagay at magpapaunawa sa akin ng kong anung dapat kong gawin."


Pagpapatuloy niya pa, "Best Father ka sa dog mo at sa akin. Alam ko soon sa future kids mo kasi mabuti kang lalaki at maypaninindigan ka sa buhay."


Samantala, maymainit namang patutsada ang rapper na si Skusta Clee sa mga nagsasabing wala raw siyang kuwentang ama sa kanyang anak.


Pahayag ni Skusta sa kanyang post na, hindi mandaw siya perpektong karelasyon ay hindi naman daw ibigsabihin nito na wala na siyang kuwentang ama.


Pahayag niya, "Try niyo ibigay! Hindi ako perfect na karelasyon I know matagal na! Pero 100% na kayang-kaya kong maging tatay sa anak ko."


"Ayaw lang kasi alam ko paano maging tatay, pero ayos lang naniniwala ako sa oras."


Inulan naman ito ng samu't saring mga reaksyon at komento mula sa mga netizens.




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma