Ricci Rivero Umamin Nag Live-in Sila Ni Andrea Brillantes!

 


Ricci Riveri may mga maiinit na pasabog na ibinunyag sa publiko tungkol sa naging dahilan ng hiwalayan nila ng actress na si Andrea Brillantes.


Deritsahang tanong kasi ni Boy Abunda kay Ricci sa naging pag guest nito sa programa ni Boy na Fast Talk with Boy Abunda ay, kung naglive in naba silang dalawa ng actress na si Andrea Brillantes.


Sagot naman ni Ricci sa tanong na ito ng tinaguriang king of Talks na si Boy Abunda.


Ani Ricci ay Oo raw pero from time to time lang, at inamin din ng basketbolista na magkasama na silang matulog minsan sa isang bahay o kwarto.


Ibig sabihin lang nito ay sobrang seryoso na nga ng kanilang relsyon, kaya pala tila hindi parin nakakamove on si Andrea sa naging hiwalayan nilang dalawa.


At dahil din sa mga pahayag na ito ni Ricci sa Fast Talk ay nakatanggap siya ng mga maaanghang na mga pambabatikos mula sa mga netizens.


Dahil sa sobrang private na daw ng mga pinagsasabi ni Ricci sa ,kanyang pahayag, hindi niya ba daw naiisip na ano nalang ang mararamdaman ni Andrea pag narinig niya ang mga salitang kanyang mga binitawan.


Heto naman ang kabuohan ng naging pahayag o sagot ni Ricci sa tanong sa kanya ni Boy Abunda.


Aniya, "Siguro po Tito Boy, from time to time we do, pero ang gusto kasi ni tita is for her to go home din."


"And yun din naman yung sinasabi ko, na ayaw ko rin na at this early age, diba?"


"Gusto ko mag focus ka din doon sa industry mo, sa work mo, sa goals mo. Ako kailangan ko rin magfocus din sa akin. Pero there are times na, we do sleep together."


Samantala, natanong din ni Boy Abunda si Ricci na kung mapanood man umano ni Andrea ang interview na ito ay kung anu umano sa tingin niya ang magiging reaction ng actress ukol dito.


Saad naman ni Ricci na umaasa siya na hindi ito magalit, lalo na at nais lang naman daw niya na ipahayag ang kanyang panig para sa kanyang pamilya.


Aniya, "Knowing her malulungkot. I am hoping na hindi siya magagalit. Kasi I am, stating naman yung side ko. Yung totoong nangyari sa side ko."


"Kasi ang naririnig lately sa ibang shows or what so ever, yung side niya. Yung akin tinatry ko talaga na hindi magsalita, dahil yun naman ang usapan namin. I am trying talaga, pero sobra na talaga siguro para sa family ko."


"For the longest time, I was trying not to give up on the relationship, and sabi ko, for me to give up, siguro sobrang puno na."


Pagpapatuloy niya pa, "She knows why I am speaking right now. Matagal ko nang sinasabi sa kanya . Maayos kaming nag-uusap, maayos kong sinasabi sa kanya na parang, Wait lang bug-bog na ako."


"Ikaw hindi ka nagsasalita kasi lahat ng sympathy nasa iyo. Okay lang naiintindihan ko hindi ganon ka hirap."


"Pero sa akin bug-bog na ako, tapos tuwing makikita tayo ng tao na ganito, parang walang problema, maayos na nag-uusap. Parang darating din siguro ako sa time na if hindi man umabot sa time na to speak up for what really happened, siguro magsasalita din ako."






Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma