Ricci Rivero, sinagot ang tanong ni tito Boy kung naglive in sila noon ni Andrea Brillantes!

 


Inilabas ni Boy Abunda ngayong araw ang pangalawang bahagi ng interview ni Boy Abunda kay Ricci Rivero at dito nga ay may mga nakakagulat pang rebelasyon ang isiniwalat nito tungkol sa relasyon nila noon ng actress na si Andrea Brillantes.


Matatandaang sa unang bahagi ng naging interview ni Boy Abunda kay Ricci ay umamin ang basketbolista na di umanoy may nadatnan si Andrea na isang babae sa lugar ni Ricci.


Ngunit mariin naman niyang itinanggi na niloko niya si Andrea dahil hindi naman kanya ang babaeng iyun, dahil sa kaibigan daw iyun ni Ricci na bumisita ng mga oras na iyun.


At ngayong araw naman ay ginulat na naman ni Ricci ang mga netizens sa panibago na naman niyang rebelasyon. 


Dito nga ay ikinagulat ng mga netizens ng aminin ni Ricci na minsan daw umano ay magkasama na silang matulog ni Andrea sa iisang kwarto.


Natanonmg kasi ni Boy Abunda kay Ricci kung nagsasama naba silang dalawa sa iisang bobong.


Tanong ni Boy Abunda, "Nag live in ba kayo ni Andrea Brillantes?"


Sagot naman ni Ricci Rivero, "Siguro po Tito Boy, from time to time we do, pero ang gusto kasi ni tita is for her to go home din."


"And yun din naman yung sinasabi ko, na ayaw ko rin na at this early age, diba?"


"Gusto ko mag focus ka din doon sa industry mo, sa work mo, sa goals mo. Ako kailangan ko rin magfocus din sa akin. Pero there are times na, we do sleep together."


Kaya naman dahil nga rito ay naging mahirap para sa kanila ni Andrea ang kanilang desisyon na hiwalayan.


Dahil sa tila naging seryoso na nga ang level ng kanilang relasyon, at lalo na dahil napalapit na din umano si Andrea sa kanyang mga nakababatang mga kapatid at maging sa kanyang mga magulang.


Samantala, natanong din ni Boy Abunda si Ricci na kung mapanood man umano ni Andrea ang interview na ito ay kung anu umano sa tingin niya ang magiging reaction ng actress ukol dito.


Saad naman ni Ricci na umaasa siya na hindi ito magalit, lalo na at nais lang naman daw niya na ipahayag ang kanyang panig para sa kanyang pamilya.










Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma