Ricci Rivero, Inaming May Nadatnang Babae Si Andrea Brillantes Sa Kanyang Condo!

 


 Viral ngayon sa social media ang pagsasalita na ng basketbolistang si Ricci Rivero patungkol sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ng actress na si Andrea Brilliantes.


Kahapon lamang ay nakapanayam si Ricci sa programa ni Boy Abunda na Fast Talk with Boy Abunda.


At dito nga ay binasag na niya, ang kanyang katahimikan, at nilinaw din niya ang tungkol sa naging hiwalayan nila ng actress na si Andrea Brillantes.


Ayon kay Ricci, na nagsalita na daw umano siya, hindi upang ipagtanggol ang kanyang sarili, kundi para protektahan ang kanyang pamilya na nadadamay at naaapektuhan, mula sa pambabatikos ng ibang mga netizens.


Hindi raw muna siya naglabas ng kanyang pahayag noon, dahil ito raw umano ang request sa kanya ng actress na si Andrea Brillantes na dati niyang jowa, na huwag munang ipahayag sa publiko ang tungkol sa kanilang hiwalayan.


Saad ni Ricci Rivero, "Nung nagbreak po kami she asked na, wag muna sana natin ilabas, and I gave in. Ang naisip kung reason niya is, mabigat na ang nararamdaman namin pareho, so why add?"


Unang ipinahayag ng basketbolista, kung kailan nagsimulang magkalaboan ang kanilang relasyon, at kung kailan nangyari ang kanilang opisyal na hiwalayan.


Ayon kay Ricci na bago raw ang kanilang hiwalayan ay marami na daw silang mga problema na sinusubukan nilang dalawa na ayusin hanggang sa dumating pa nga raw ang puntong nag call off muna sila noong Buwan ng Abril.


Gayun paman ay natuloy na nga sa paghihiwalay ang kanilang relasyon at hindi na nila na isalba pa, noong unang linggo ng Mayo.


Dahil daw umano sa balitang may ibang babae si Ricci, matatandaang kumalat nitong kamakailan ang balitang nadatnan umano ni Andrea si Ricci na maykasamang ibang babae sa tinutuloyan nito.


At ito nga daw ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan, ngunit mabilis naman na nawala ang issue na ito, dahil walang mga patunay at hindi rin ito na kumpirma mula kay Andrea.


Kaya naman sa pagsasalita na ito ni Ricci ay ikinagulat nga ito ng karamihan, lalo na ng kumpirmahin niya ang tungkol dito.


Ngunit makailangh beses daw niya na kinausap si Andrea ukol dito at ipinaliwanag ang nangyari at ipinakita din niya ang mga ilang patunay na hindi kanya ang nasabing babae na naabotan ni Andrea sa Lugar ni Ricci.


Pahayag ng Basketbolista, "Tito Boy, yung cause nung break-up was yung speculations nga, yung kumalat sa social media, yung may nakita siyang girl doon sa place ko."


"Pero ilang beses naman po naming pinag-usapan to as in sobrang daming beses, na sinabi ko sa kanya with all the evidences I have, kasi may mga conversations even with my friends na di po sakin yung girl, may papuntang friend ako nung midnight, tapos di ko naman alam na may kasama siya tapos yun yung inabutan niya that time."


Kinumpirma din ni Ricci na tunay yung mga kuha na video at mga larawan na kumalat sa social media at sinabi niya na si Andrea mismo ang mga kumuha noong araw na iyun.


Gayun paman ay sinabi ni Ricci na napag-usapan na nila ito ng actress at naniniwala siya na naintindihan na ni Andrea ang mga nangyari.









 





Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma