Megan Young at Mikael Daez, Bakit Wala Pa Ring Baby Kahit 3 Years Nang Kasal?

 


Celebrity couple na sina Megan Young at Mikael Daez, hindi nakaligtas sa mga mapang-usisa na mga netizens.


Ayon kasi sa mga tanong ng ilang netizen, na tila nagtataka kung bakit wala parin daw anak sina Megan at Mikael kahit na tatlong taon na ang relasyon ng mga ito.


Ayon naman sa mag-asawa ay hindi raw sila na pepresure kapag tanatanong sila tungkol sa usaping pagbubuntis.


Aware daw sila na kung bibigyan sila ng maykapal ng isang anak ay darating at darating lang daw ito anu man ang kanilang gawing pagsisikap.


Inaasahan nga ng mag-asawa na mabibiyayaan sila ng anak pagdating ng tamang oras.


Ayon pa sa Beauty Queen na hindi raw naka takda sa petsa ang pagbubuntis, kundi nangyayari lang daw ito kung talagang ibibigay ito sa kanilang mag-asawa.


Aniya, "Hindi ko nilalagyan ng date ang mga ganyan nangyayari lang talaga. Kung Meron, meron let's see what right brings."


Tanong naman uli kay Megan, na kung ipapaalam ba nila sa buong mundo pag-sila ay nabiyayaan na ng isang anak.


Sagot naman ni Megan, "Malay niyo, hindi niyo alam biglang malaki na pala tiyan ko." Sabay tawa ng beauty queen.


Saad naman ng actor na si Mikael na, "kilala niyo naman kami go with the flow, so let see, we believe na kapag nais magkaanak ay darating at darating iyun."




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma