Kim Chiu at Xian Lim Hindi Muna Magkakasama!....

 


Talagang sobrang busy na ngayon ng celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim dahil sa daming mga hinahawakan nilang mga proyekto.


Tulad nalang ng paghohosting ni Kim sa noontimeshow na It's Showtime, at ang pagpeperform sa ASAP natin to at ng serye niya na Linlang na talaga namang ibang Kim ang ipinakita ng actress dito.


Ang nobyo naman ni Kim na si Xian Lim ay sobrang busy din ngayon dahil sa napakaraming schedule, at proyekto.


Tulad nalang ng ginagawa nilang serye ni Jenylyn Mercado, at may pinagkakaabalahan din siyang show na out of town, at ayon pa sa aming nakalap na impormasyon ay may inaayos rin daw ngayon na isang proyekto ang Viva entertainment na idederek ni Xian Lim.


Kaya naman todo dasal naman ang maraming fan ng dalawa na sana ay magkaroon na nga sila Xian at Kim ng isang proyekto na magkasama. 


At sana daw ay ito na nga raw ang proyekto ng dalawa na kanilang pagtatambalan, na ngayon ay niluluto na ng Viva.


Ngunit ayon naman sa isang source na wal pa daw proyekto ang dalawa, kaya naman magtiistiis lang daw muna ang mga fans at taga suporta ng dalawa.


Dahil baka naman sa susunod na mga proyekto ay para na sa kanilang dalawa na magpapakilig ng sobra sa mga netizen.


Pero ayon naman sa mga masusugid na mga tagahanga ng dalawa ay kahit na wala pa daw proyekto ang kanilang mga idolo ay masaya na sila sa tuwing nakikita nila sa mga social media account ng dalawa na sweet na magkasama ang mga ito.




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma