Katotohanan Sa Pagkakaroon Ng Gay Boyfriend Ni Ricci Rivero!


 Nitong kamakailan lang sa naging panayam ni Ricci Rivero sa tinaguriang king of talks na si Boy Abunda sa programa nitong Fast Talk.


Dito nga ay binigyang linaw ni Ricci ang nangyaring hiwalayan nila ng actress na si Andrea Brillantes.


Ni linaw ng basketbolista na walang katotohanan ang kumakalat na balitang may relasyon o may namamagitan sa kanila ni Laguna Councilor Leren Mae Bautista.


Bukod dito ay mariin ding itinanggi ni Ricci ang mga kumakalat na mga balita na di umanoy ginamit niya lamang ang actress na si Andrea Brillantes, upang siya ay mas lalong makilala sa mundo ng showbiz.


At todo tanggi din siya sa mga nagsilabasang chismis na siya ay may shotang bakla, o siya ay mayroong karelasyon na isang bakla kaya raw hiniwalayan niya ang actress.


Sa ngayon ay tuloyan ng inunfollow ni Ricci Rivero ang actress na si Andrea Brillantes.


Samantala, mas lalong uminit sa social media ang pangalan ng basketbolista matapos na magtrending ang isang video.


Kung saan nahuli ng actress na si Andrea Brillantes si Ricci Rivero sa condo nito na may kasamang isang babae.


At ayon nga kay Ricci na isa raw ito sa mga dahilan ng kanilang paghihiwalay dahil sa hindi pagkakaintindihan.








Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma