It's Showtime host Vice Ganda at EB host Isko Moreno Nagyakapan at Nagkamustahan sa isang event!.....

 


Mga host ng dalawang noontime show na sina Eat Bulaga host Isko Moreno at It's Showtime host Vice Ganda nagkamustahan sa isang event.


Nagkaroon nga ng pagkakataon na magbatian ang dalawang host na ito kagabi sa naganap na Rampa Manila Fashion show sa Manila City Hall.


Caption naman ni Isko Moreno sa kanyang post, "Nice to see you again, YorMEME Vice Ganda! đŸ’™"


Kahit na nga magkaibang host sa magkaibang noontime show sina Isko at Vice ay talagang hindi nila pinipersonal ang mga bagay na iyon at nananatili parin silang magkaibigan.


Si Isko Moreno ay isa rin sa mga rumampa kagabi sa nasabing Rampa Fashion show.


Ang Rampa Manila ay isa lamang sa mga inihandang activity ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Mayor Dr. Honey Lacuna bilang pagdiriwang ng ika 452 na araw ng Manila ngayong taon.


At habang rumarampa naman si Isko Moreno ay makikita sa isang larawan ang tila kinilig na reaksyon ni Vice Ganda.


Samantala, ikinagulat naman ni Vice Ganda ang kanyang natanggap na rekognasyon kagabii, si Vice ay binigyan ng pagpupuay dahil sa kanyang mga kontribusyon bialng isa sa kinatawan ng mga LGBTQIA+ Community.




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma