Its Showtime at Eat Bulaga Sanib Pwersa Para Tapatan Ang Show Ng Tvj Sa Tv5!

 


It's Showtime nina Vice Ganda at Eat Bulaga ng mga Jalosjos magsasanibpuwersa raw para talonin ang bagong show ng TVJ sa TV5.


Ngayong araw June 28, ay pormal na nagkaroon ng signing of contract ang GTV5 na pagmamay-ari ng GMA7 at ABS-CBN show na It's Showtime.


Sa video ay makikitang nagsamasama ang mga bosses ng dalawang malalaking network ang ABS-CBN at ang GMA networks. 


Dito nga ay nagkapirmahan na ng kontrata ang dalawang panig, Limang taong kuntrata ang kanilang pinirmahan.


Ibig sabihin ay limang taon na gagawa ng content ang It's Showtime sa GTV ng GMA7.


Sa naturang event na ito ay nandoon ang halos lahat ng host ng It's Showtime maliban nga lang kaina Karylle at Vhong Navarro na hindi naka-attend sa mahalagang event na ito.


Ang rason kasi kung bakit hindi naka attend sina Vhong at Karylle sa nasabing contract signing ay dahil sa mayroon na kasi silang mga naka shcedule na event na dapat din nilang puntahan at matagal na nga itong nakabook sa kanilang schedule.

Pero kahit wala sila sa event na ito ay kasama parin naman sila sa paglipat ng show nila, kaya walang dapat na ipag-alala ng kanilang mga fans.


Sa ngayon ay sobrang saya ng lahat ng mga host ng It's Showtime dahil sa wakas ay nagkaroon na nga sila ng bago nilang tahanan.


Sa July 1, 2023 na magsisimula ang ang kanilang show sa GVT. 


Kaya naman sobrang excited narin ng kanilang mga tagasubaybay na mapanood sila sa GTV ng kapuso network.


Ang mga hakbang na ito ng dalawang network ay upang tapatan umano ang show ng TVJ sa TV5 na balitang-balita ngayon na aarangkada na din ng hosto simula din ngayong July 1,2023.


Kaya naman upang umano ito ay matapatan ay mayplano daw umano ang GMA at ABS-CBN at mga Jalosjos na magcross over.


Ang ibig sabihin ay habang ipinapalabas sa noontime ang Eat Bulaga sa GMA7 ay may mga ilang mga host din ng It's Showtime na mapapanood sa Eat Bulaga. 


At mayroon din namang nagsasabi na baka daw ay mag-iisang show nalang ang dalawang show na ito para matapatan nila ang bagong show ng TVJ sa TV5.






Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma