Herlene Budol Binabatikos Matapos Itong Gawin Sa Miss Grand International Philippines 2023!



Trending at mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang aktres at beauty queen na si Herlene Budol.


Ito'y matapos punahin ng netizens, ang mga naging paraan ng pagsagot nito sa tanong ng isa sa mga jusges ng pageant.


Sa interview portion ng sashing ceremony Miss Grand International Philippines 2023 na ginanap sa Crown Plaza Manila Galleria Hotel sa Pasig City nitong martes June 20,2023.


Dito nga ay isa sa mga kandedata si Herlene Budol, kaya naman talagang inasahan na ng marami na talagang pag-uusapan na naman sa social media si Herlene dahil sa mga naging sagot niya sa tanong sa kanya.


Ang naging sagot nga ni Herlene ay ikina saya at ikina aliw ng iba ngunit ikinadismaya at ikinagalit naman ng ilan dahil sa tila sumobra na daw itong si Herlene Budol sa kanyang mga naging banat.


Matatandaang noong sumali si Herlene Budol sa 55th Binibining Pilipinas noong nakaraang taon ay napamahal siya sa maraming mga tao at na aliw sa kanyang gagiging makatotoo.


Ngunit ngayon ay ayon sa mga netizens ay tila sumobra na umano ang kandedata.


Tanong nga sa kanya ng isa sa mga judges, "Apart from your big social media following, what else have you got, in order to win the crown?"


Sagot naman ni Herlene sa tanong na ito, "Thank you for that long question for me. chariz... I have a big followers because I have a big heart. O english yun ha! Nakapagcompose po ako agad. Ano nga uli yong tanong?" 


Inulit naman ng judge ang kanyang tanong pero sa wekang tagalog na para maunawaan ito ni Herlene, ngunit ng may tumonog na Cellphone habang nagsasalita siya ay bumanat uli si Herlene at sinabing, "Paki sagot po yung tumatawag."


Dito nga ay idinaan ni Herlene sa pagpapatawa ang kanyang mga sagot sa tanong, ngunit tila malayo na daw ito sa hulog kaya naman umani si Herlen ng pambabatikos mula sa ilang mga netizens na hindi ikinatuwa ang mga banat niya.




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma