Grabe 10 Million Pesos Na Billboard Ng TVJ Sa Edsa, Insulto Sa TAPE Incorporated ng mga Jalosjos!...

 


Vral na viral at mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang malaking Billboard ng TVJ sa Edsa na ginastusan ng TV5 ng 10 million pesos.


Ayon nga sa mga netizens ay isa daw itong malaking kahihiyan sa TAPE incorporated, dahil sa makikitang sobra-sobra ang ipinakitang suporta ng TV5 sa TVJ.


Masayang masaya naman ang mga fans at mga tagasubaybay ng TVJ dahil nga malapit na nilang mapanood ang iconic trio sa telebisyon.


At dahil na rin sa ipinakitang suporta ng TV5 sa kanilang mga hinahangaang mga idulo pagdating sa pagpapasaya ng maraming mga tao.


Tila ipinamuka ng TV5 sa pamunuan ng TAPE incorporated o sa mga Jalosjos na malaking kawalan sa kanila ang pagbabaliwala nila sa TVJ, at talagang ipina-mukha sa mga ito kung anu ang kanilang sinayang.


Samantala, ibinahagi naman ni Joey De Leon kung papano nila ipinaglaban ang Dabarkads mula sa pamunuan ng TAPE at ito nga ay ang mga Jalosjos.


Ikinuwento niya sa media con nila sa TV5, kung papaano sila sobrang proud sa mga kasamahan nilang mga host ng Eat Bulaga na sumama sa kanila sa pagkalas sa mga Jalosjos at sumama sa bago nilang tahanan sa TV5.


Talagang proud na proud nga daw ang TVJ sa mga ito dahil hindi sila iniwan at ipinakita ng mga ito ang kanilang suporta sa kanila at talagang masasabing solid ang loyalty ng mga ito sa TVJ.


Napahagolgol na si Joey ng mapag-usapan kung bakit ipinaglaban ng TVJ ang mga kasamahang host nila sa Eat Bulaga na sina Wally Bayola, Paulo Ballesteros, Maine Mendoza, Alan K, Jose Manalo, Ryan Agoncillo at Ryzza Mae Dizon.


Ayon kay Joey De Leon na bilib na bilib daw siya sa mga ito, lalo na kapag naghohost na ang mga ito sa segment nila na Bawal Judgemental.


Alam daw niya na ito ang pinakamahirap at sensitibong segment ng Eat Bulaga, pero nagagawa raw ito nila ng maayos ng samasama.


Aniya, "Meron kaming isang portion sa show yung tinatawag naming Bawal Judgemental, napakahirap ng portion na yun, sensitibo po yung portion na yun."


Dagdag pa niya, "Si Maine, si Ryan, lahat po sila anggagaling po nilang magtanong, hangang-hanga po kami sa groupong to tulad nila Jose, mga kumedyante, pero pag nagtanong po sila sa tao parang wow, hindi mo maiisip na ganun."


Ayon pa sa kanya na hindi raw dumadaan sa writer nila ang mga nagiging tanong ng mga ito sa nasabing segment ng show nila dati na Eat Bulaga.




Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma