GMA Network Wala Daw Respeto Sa Mga Jalosjos O Sa TAPE Incorporated, Ayon Kay Cristy Fermin Dahil Sa Pagtangap Sa Showtime!

  


Matapos nga ang ilng dekadang pagsasalpokan ng dalawang malaking network ay tila ngayon ay nagsanib puwersa na nga ito para maghatid ng saya sa mga taga panood.


Malapit na nga na mapanood ang ABS-CBN show na It's Showtime sa GTV na pagmamay-ari ng GMA networks.


Simula nga ngayong July 1,2023 ay mapapanood na nga sila sa noontime slot ng GTV.


Marami nga sa mga tagasubaybay ng It's Showtime ang natuwa dahil dito, lalo na para sa mga host ng nasabing show, na talaga namang sobrang saya ng mga ito dahil sa wakas ay magkakaroon na nga sila ng bago nilang tahanan.


Samantala, latest vlog naman nina Cristy Fermin sa kanyang YouTube Channel ay napag-usapan nila ang tungkol sa contract signing ng dalawang dating magkatunggaling network na ngayon ay naging isa na at nagsama na para maka pagpasaya.


Ngunit sa naging pag-uusap nila Cristy Fermin at ng kanyang mga co-host na sina Romel at Wendell, ay tila hindi nagustohan ng mga netizens lalo na ng mga fans ng It's Showtime ang mga sinabi o ang mga naging pahayag ng mga cohost ni Fermin na tinawag nilang basura ang It's Showtime.


Nagtrending na sa social media ang mga sinabi ni Wendell sa kanilang naging pag-uusap tungkol sa pahayag niya sa kung ano ang paglalarawan nito sa It's Showtime.


Sa latest Episode kasi ng vlog ni Cristy Fermin na Showbiz Now Na ay napag-usapan nila ang pagpapalabas ng ABS-CBN show na It's Showtime sa GTV.


Ayon kasi sa naging pag-uusap nila Cristy Fermin na palaisipan daw sa kanila kung bakit ngaba tinanggap ng GMA ang It's Showtime gayong nasa puder parin nga nila ang Bagong Eat Bulaga ng TAPE incorporated.


Ayon nga kay Wendell na mali raw ang naging desisyon ng mga executive ng GMA networks na ilagay sa parihas na Timeslot ang dalawang noontime show, upang maiwasan ang pagsasalpokan ng dalawang programa.


Sabi naman ni Cristy  Fermin na "Chaka ang sakit sa tinga na anu bayan, pera-pera nalang ba ang labanan, hindi manlang sila nagkaroon ng respeto sa matagal ng umo-upa sa kanila, tapos kumuha pa sila ng kabanggaan ngayon."


Sabi naman ni Wendell, "Dapat itong GMA management panindigan nila, diba't naglalabas sila kanilang mga ratings na talo yung ganito, tapos ngayon kukuha kayo ng mga show na basura, kasi anu paba ang tingin natin doon sa Showtime eh wala silang sariling bahay. Hindi ba ang basura kapag sinasabing tapon nalang kung saan para doon nalang pupulotin."


Napataas naman ang kilay nga mga netizens sa sinabing ito ni Wendell dahil ayon sa kanila na hindi naman daw basura ang It's Showtime, dahil magaling din dito pagdating sa paggawa ng mga nakakaaliw na mga segment sa kanilang show, at marami narin itong napasaya at natulongan na mga tao. 


Kaya ang hiling lang ng mga netizens kaila Cristy Fermin na mag-iingat lang sana sa mga binibitiwan nilang salita patungkol sa naturang ABS-CBN shows.









 

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma