Dating Gma7 News Reporter-Kapamilya Na?

 



Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media na mapapanood na sa ABS-CBN News ang dating GMA7 New Reporter na si Victoria Tulad.


Si Victoria Tulad ay dating nagtatrabaho sa GMA7 sa loob ng 12 years. Nito lamang nagdaang taon, napagdesisyunan ni Victoria na lisanin ang GMA7.


Marami naman sa mga GMA7 fans ang napapatanong noon kung bakit nito iniwan ang network gayung hindi naman umano siya nababakante rito.


Matatandaan pang naging bahagi sa ilang mga news program noon sa GMA7 si Victoria Tulad kabilang na ang Balitanghali. Nagtuturo rin siya ng journalism sa University of Asia and the Pacific.


Samantala, wala namang masama sa paglipat ni Victoria Tulad sa ibang network dahil wala naman itong nalabag na kahit na anong batas.


Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma