Awra CCTV Footage sa Loob ng Club Bago Mag-Rambolan VIRAL NA!


 Isiniwalat na ng social media influencer na si Christian Albert Gaza o maskilala bilang si Xian Gaza ang video ni Awra Briguela at ang mga kaganapan sa loob ng bar bago maganap ang rambolan na kinasangkotan ni Awra Briguela.


Sa video ay makikitang si Awra at ang mga kaibigan niya at ang grupo nina Mark Ravana.


Sa video at tila pinagkakatuwaan ng grupo nina Awra ang isang lalaki na maghubad ng pantalon, makikita din sa video na maingay ang magkabilang grupo na nagkakatuwaan lang naman.


Okay lang naman daw kasi kakilala naman daw ng kasama ni Awra ang kabilang grupo ng mga kalalakihan.


Samantala, sa pangalawang video naman na inilabas ni Xian Gaza na galing mismo sa Makati Police ay makikita na tila walang katotohanan ang mga naunang pahayag ng mga kaibigan ni Awra na hinipuan sila ng mga kalalakihang ito at ipinagtanggol lang sila ni Awra.


Makikita din na hindi na nga tama ang gusto ni Awra na magtanggal ng pantalon ang isang lalaki na halatang nakukursunadaan niya at labag nga ito sa batas ng bar na iyun. 


Kung pagbabasihan nga ang CCTV footage ay masasabi mo na wala talanga hipuan na nangyari doon, at si Awra ang ang itinuturong may kasalanan sa nangyaring kagulohan. 


Nagalit daw kasi si Awra na hindi sinunod nung lalaki ang gusto niya na maghubad ito ng pantalon dahil damit lang ang hinubad ng lalaki.


Sa ngayon ay wala pang anumang pahayag mula sa kampo ni Awra ang tungkol sa paliwanag nila sa inilabas na video na ito ni Xian Gaza.






Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma