Willie Revillame Tinanggihan Ang Offer Ng Mga Jalosjos Para Sa Eat Bulaga!...


 TV host actor na si Willie Revillame tinanggihan ang alok ng mga Jalosjos na mag-guest sa Eat Bulaga ng TAPE incorporated sa GMA7 nitong Sabado July 1.


Ito ay isa lamang sa mga ibinulgar ng Kulumnistang si Cristy Fermin sa show nito na Cristy Ferminute ngayog araw July 3, 2023.


Ayon pa sa kanya na nitong nakaraang linggo daw ay ginawa na ng mga Jalosjos ang lahat ng paraan para mapataas ang rating ng kanilang show na Eat Bulaga.


Lalo na sa mismong araw ng pagbabalik noontime show ng TVJ sa TV5 nitong Sabado July 1, 2023.


Matunog kasi sa social media ang bagong show ng TVJ sa TV5 kahit na malayo pa ang pag-ere nila ay pinag-uusapan na ng maraming mga tao ang pagbabalik ng mga ito at talagang inabangan ng maraming mga manonood ang pagpapasayang muli ng TVJ kasama ang kanilang mga legit Dabarkads host.


Nitong sabado din kasabay na umere ng show ng TVJ ang noontime show ng Kapamilya network na It's Showtime na ngayon ay nasa GTV na isang free channel ng GMA7.


Kaya naman ang mga maugong na mga balitang ito ang siyang nagtulak sa pamunuan ng TAPE incorporated o ng mga Jalosjos na kunin si Willie Revillame na maging guest sa Eat Bulaga.


Ito sana ang pangtapat ng mga Jalosjos sa TVJ upang kahit papaano ay hindi sila maging kulilat sa ratings ang show nila.


Ngunit nabigo ang palanong ito ng mga Jalosjos dahil sa tinanggihan ni Willie Revillame ang kanilang offer na magguest sa kanilang show.


Dahil ayon daw kay Willie na mataas ang respito niya sa TVJ, bagaman sila ay naging magkatapat na noon sa, pero hindi daw niya magagawa na magguest sa show na Eat Bulaga bilang respito nadin kaila Tito, Vic at Joey.


Mas ok pa daw umano kung ang inoffer nila ay maghost siya sa isang programa pero iba na ang titulo ng show, o di kaya ay ang programa ni Willie na Wowowin ang ilagay sa timeslot.


Ayon nga sa mga netizen na negosyanting tao daw itong si Willie at hindi nga siya ang tipo ng tao na susugal sa hindi naman daw niya ikakapanalo.


Tila batid din daw umano ni Willie na marami ang tatalikod sa kanya kapag tinanggap niya ang offer ng mga Jalosjos at baka masira lang ang maganda niyang reputasyon.






Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma