Nagayuma? Belle Mariano Nawawala Ang Sarili Kay Donny Pangilinan..

 


Maraming mga fans at netizens ang kinilig sa pagtawag ni Belle Mariano na "Babe" sa kanyang on screen partner na si Donny Pangilinan na napanood sa vlog ni Darla Sauler.


Sa vlog kasi ni Darla ay makikita sa video na nagkakatuwaan silang tatlo, sina Belle, Donny at Darla habang naglalaro ng sikat na laro ngayon na umuso sa social media ang paglalaro ng Lato-lato.


Habang naglalaro kasi sila ay bila lang daw kasi nasabi ni Belle na Babe ikaw muna, pero ayon sa ibang mga netizens na wait daw iyon pero sarado na ang pag-iisip ng DonBelle fans at "Babe" na daw iyon.


Kaya naman dahil nga dito ay lumabas ang ang spekulasyon na magjowa na nga ba ang dalawa. 


Ngunit nilinaw naman agad ito ng actress sa isang panayam sa kanya, at nasabi nalang niya na maging siya mandaw ay nagulat sa nangyari.


Hindi daw niya na realize na ang nasabi niya ay babe sa halip na wait.   Ani Belle, "For what I recall I said wait try mo yung lato-lato ganyan, pero natatawa ako na ganun din yung pagkakarinig ko."


Kaya naman dahil dito ay sabi tuloy ng ilang mga fans na nawawala daw pala sa sarili si Belle kapag kasama niya si Donny, at ang ibig lang daw sabihin nito ay kinikilig talaga ng sobra si Belle sa bawat sandali na magkasama sila ng kanyang ka love team.






Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma